United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun magaling ang panahon ay hanapin mo yaong colatcolat, ó tila cabuting tungmutubo sa alibangbang, ó sa ibang man~ga cahoy. Ang unang balat noong tila cabuti, ay inaalis nang matalas na sundang. Yaong ibang natitira,i, binubugbug ó pinapalo nang cahoy, hangan lumambot. Ang isang caputol nito, ay yaon ang itatapal sa man~ga sugat nang maampat ang dugo.
Cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang dugo, ay maigui roon ang agárico de roble número 67; at sapagca dito sa Filipinas ualang agárico, ay na-aari ang colatcolat número 67, yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa man~ga cahoy, sa alibangbang baga; ang unang balat nang colatcolat ay itinatapon, ang ibang natitira ay babayuhin, ó bubugbuguin nang cahoy nang lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy.
Cun hindi ungmaampat ang dugo ay tacpan ang sugat nang gaboc nang papel sangley na sinunog ó nang quinayod na culatculat, ó yaong tila cabuting sungmisibol sa man~ga cahoy para nang turo sa párrafo 316 ó sa 293.