United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon. Nota 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.
Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bun~ga nang boboy. Ito,i, gamot tagalog.
Quinabucasan bago siya cumain, ó bago humiga, ay pahiran ang ibang man~ga buni nang ungüentong bilin sa número 45 ó 52. Dito sa saquit na ito,i, masama ang malibag na damit, at ang di pagpambo nang malimit-limit.