United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bun~ga nang boboy. Ito,i, gamot tagalog.

Yaong lugar nang catauan nang maysaquit, na sinisibulan nang culebra, ay budburan nang harinang isinan~gag sa cauali ó palioc; maigui pa sa harina yaong tila bulac nang bun~ga nang boboy na siya ang itinataquip doon; cun munti ang saquit ay siya na yaon.

Nota . Ang uica nang isang médicong marunong, na si Roux ang n~galan, na capilitang pasuin ang sugat na guinagaua nang aso ó nang pusang ol-ol. Caya pagca hinugasan ang sugat nang tubig na may asin, ay doonan nang caonting bulac ó laman nang bun~ga nang boboy, at papagnin~gasin, na yao,i, gagauing maminsan-minsan.

Ang gamot sa tauong naguitguitan ó nagalusan, at sa nasugatan, pati sa nahiua ó sa tinaga nang ibang tauo. Nota. Ang mabuti sa nagalusang tauo,i, ang laman nang bun~ga nang boboy yaon bagang tila bulac, na itataquip na magaling doon sa lugar na masaquit. Maigui rin ang abo nang papel sangley sa sinunog.

Itong pag-inom nang lan~gis, hindi sucat pabayaan, at siya ang cauna-unahang gamot dito. Saca cun ibig at pungmapayag ang maysaquit, ang sugat ay pasuin nang caunting bulac, ó nang laman nang bun~ga nang boboy.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap