United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon. Nota 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.
Cun ang may catauan ay naghihirap dahil sapagca nauala yaong pinaca sin~gao nang catauan; ay mabuti ang siya,i, magdamit nang maramirami ó magbalabal. Saca uminom siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang caunting nitro, ó salitre, at macalaua maghapon caniyang cacanin ang timbang cahati nang bilin sa número 42; bucod dito ay magpupurga siyang parati.
Salita Ng Araw