United States or Tuvalu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang dugo, ay maigui roon ang agárico de roble número 67; at sapagca dito sa Filipinas ualang agárico, ay na-aari ang colatcolat número 67, yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa man~ga cahoy, sa alibangbang baga; ang unang balat nang colatcolat ay itinatapon, ang ibang natitira ay babayuhin, ó bubugbuguin nang cahoy nang lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy.

Totoong igui dito naman ang matigas na colatcolat, ó yaong tila cabuti número 67, na sungmisibol sa alibangbang, ó sa palsahin~gin ó sa ibang cahoy; ang unang balat sa ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,i, quinacayod, at ang pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao.

Cun magaling ang panahon ay hanapin mo yaong colatcolat, ó tila cabuting tungmutubo sa alibangbang, ó sa ibang man~ga cahoy. Ang unang balat noong tila cabuti, ay inaalis nang matalas na sundang. Yaong ibang natitira,i, binubugbug ó pinapalo nang cahoy, hangan lumambot. Ang isang caputol nito, ay yaon ang itatapal sa man~ga sugat nang maampat ang dugo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap