United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kayóng tumútungháy n~gayón ang makásasagót, at kayó rin namán ang dapat makábatid sa túnay na layon n~g ¡NASAWING PAGASA! Gayon man ay sasagot din ako n~g para sa akin.
Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Salita Ng Araw