United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿At hindi po ninyó nararamdaman? ang isinagót n~g matandang ga humilig na sa kináhihigan; ¡ah! palibhasa'y hindi ninyó nakita ang panahóng nagdaan, hindi ninyó mapagcucurocurò ang bun~ga n~g pagparito n~g m~ga tagá Europa, n~g m~ga bagong aclát at n~g pagpasá Europa n~g m~ga kinabataan. Pag-isip-isipin ninyó't pagsumagsumaguin: tunay n~ga't nananatili pa ang Real at Pontificia Universidad n~g Santo Tomás, sampô n~g canyáng carunungdun~gang claustro, at pinapagsasanay pa ang iláng m~ga nag-aaral sa pagtatatág n~g m~ga «distingo» (pagkilala n~g caibhán) at bigyán n~g panghulíng ningníng ang m~ga catalasan n~g pagmamatuwiran tungcól sa iglesia, n~guni't ¿saán ninyó makikita n~gayón yaóng m~ga kinabataang mawilihíng sásalicsic n~g metafísica, panís n~g m~ga dunong, na sa capapahirap sa pag-iisip ay namamatay sa marayang m~ga pagbabalacbalac sa isáng suloc n~g m~ga lalawigan, na hindi matapustapos unawain ang m~ga saguisag n~g «ente», hindi macuhang masunduan ang liwanag n~g «esencía» (tining) at n~g «existencia» (búhay) cataastaasang palaisipang nagpapalimot sa atin n~g lalong kinacailan~gang maalaman: n~g nauucol sa ating cabuhayan at sariling calagayan? ¡Tingnán po ninyó ang cabataan n~gayón! Sa puspós na casiglahan n~g caniláng loob sa pagcákita sa lalong malayong tan-awin, silá'y nan~gag-aaral n~g Historia, Matemáticas, Geografía, Literatura, m~ga dunong sa Física, m~ga wic

Nang mákita ni Sisang siya'y sumasaguitna n~g daan lumacad na siyáng alam ang guinágawa, at tumún~go sa canyang báhay, nagmámadalî, walang anó mang takip ang úlo at ang tinititiga'y ang maláyong tan-awin.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap