Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 3, 2026
Kung sakaling di nagkasundo ang lalaki't babae ay nagdadaos n~g panibago at muling naghaharap n~g isang baboy, na sa harap noo'y sumasayaw ang lalaki na may hawak na isang sibat, at habang sinisibat ang baboy ay nakikipanayam sa kanyang diwata ó dios at hinihiling na papagkaisahing lubos ang kanilang kalooban at sa gayo'y inaasahang ang lalaki't babae ay magkakasunod at mabubuhay na payapa.
Kung magkagayo,y sumasayaw na sinisibat ang isang baboy na handa na kapagkaraka at dito natatapos ang pagkakasal, saka naman ipinagdidiwan n~g m~ga inanyayahan na pinupuri ang bagong kasal na nan~gagsasayaha't nan~gaglalasin~gan. Ang pagdiriwang ito ay hangang sa paglubog n~g araw at ang iba'y tumatagal n~g ilang araw ayon sa kalagaya't katungkulan n~g ikinakasal.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap