United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pasisimulan niya na ang sermóng wícang tagalog. Tinuctucán n~g matandáng mapamintacasi ang canyáng apóng babae, na naguising na masamâ ang loob at nagtanóng: ¿Dumating na ba ang oras n~g pag-iyác? Hindî pa, n~guni't huwag cang matulog ¡"condenada"! ang isinagót n~g mabait na núnong babae.
Ganitó ang sinasabi n~g isá sa m~ga matatandang babaeng nanánamít n~g guingón, si Hermana Pute bagá, sa isáng babaeng may anim na taón na ang gúlang na canyáng apó, na nacaluhód sa canyáng tabi: ¡Condenada! ¡itahimic mo ang iyóng isip, at macaririnig ca n~g isáng sermóng gáya n~g sa Viernes Santo!
Bahagyâ na macahin~gá roon, mainit at amóy háyop na dalawá ang páa; datapuwa't catumbás n~g lahá't n~g pagcacahirap na iyón ang magsesermong as sermông yao'y dalawang daa't limampung piso ang bayad n~g bayan. Ito ang sinabì n~g matandáng Tasio.
N~g matapos ang ganitóng pagsisiyasat; linin~gon ang casama n~g paalimís at sa canyá'y sinabi: "¡Magpacatalino, capatid!" Binucsan nitó ang cuaderno. Datapuwa't carapatdapat na isaysay sa isáng bahaguing bucód ang sermóng itó.
TALABABA: Hindî dapat calimutan n~g bumabasang ang sermóng ito'y sa wicang castil