United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di n~ga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao n~g tanang kinapal, at ang bayang pilipino, cung bagá ma't di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang gasinong carunun~gan datapua't paraparang may sacdal na damdamin, mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan.