United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Matapos ito ay inililibing n~g paupo sa yun~gib na kanilang ginagawa sa ilalim n~g lupa, saka hinahainan sa harap n~g isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at n~g iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos n~g kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.
Itong ugaling maglibing n~g paupo ay dating kaugalian sa Hilagang América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog n~g Bretania. Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa digma namatay, ó kung pinagliluhan. =Ikalabing limang pangkat.= =Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga Tagarito.=