United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !
"¡Ah, mga kabábayan!... Kung ang mga katotohanang itó na sakdál ng papaít ay nakasusúgat sa inyóng mga damdámin, ako'y di nagsisisi! ¡Tinutupád ko ang áking katungkúlan! "Karápatdápat at kailángang mabatíd nating lahát ang hubád at wagás na katotohánan, na, ang kabatáan sa bayang itó ay kúlang pa ng lakás, kulang pa ng tyagâ, pagtitiis, at siglâng walâng máliw!
Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan.