United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala Ako'y mamamangha kung aking makita Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela. Naiinggit ako sa paminsanminsan Sa dampi n~g han~ging walang-walang malay, Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..! = Ang mga labi mo =. Los labios del arcangel en sus labios ... Menendez Pelayo.
Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko Ay naguguhit din ang m~ga paá mo, Paang mapuputing nakababalino Sa isip at buhay n~g payapang tao. Paáng makikinis at makaulul-palad, Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat, Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad, Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak. Parang m~ga paá n~g nababalitang Cleopatra at Leda n~g panahong luma, Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.