United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !
"N~guni't ¡limutin natin ang m~ga capan~gitang ásal na iyán! ¡Capayapaan sa m~ga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na n~gâ; hindî na silá humihin~gâ, at sila'y kinacain na n~g m~ga u-od! ¡Howag nating tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa guitnâ n~g ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa cagalin~gang palad ay lalong marami ang m~ga capatid; ang cagandaha't camahalan n~g loob ay pawang m~ga catutúbò sa sílong n~g lan~git n~g España: sa bagay na ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa pagsagót; nan~gagsitulong cayó, at gumawâ cayó marahil n~g lalong malakí cung mayroon pa sana cayong magagawâ. Umupô cayó sa pakikisalamúh
Salita Ng Araw