United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza , na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay. Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Mayníl
Salita Ng Araw