Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 6, 2025
Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap. Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang napahuhula.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap