United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang katagang iyan, na "puerto" ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang "provincia". At bakit? Dahil din sa kamalian. Naging sukat ang pagkakagamit sa panahon ng Himagsikan ng "lalawigan ng Kabite" upang ipagkamaling "Provincia" ang ibig sabihin ng "lalawigan", at ang kamaliang iyan ay naging palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan.
Siyang nasa lahat na. Mahirap ngang maging mali. At sa katotohanan ay talagang hindi nga mali. "Lahi" ngang talaga, at ang katagang iyang kay pagkagandaganda ng pagkakagamit diyan, ay di kaya pinananaghilian ng ating mga makata ngayon? DIGMA. Sa tulang: "siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat guinipit ang digmáng cumubcób sa Ciudad".