Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 29, 2025
Nasusuklám si Elíng sa mga bágay na ito, kaya't mahigpít na iniingátan ang pagka-pilipína. Tandâ ng pag-iingat niyang iyan at paglayò niya sa mga ugaling dáyo, ang kanyáng madalás na dî pagpanáog sa kaniláng tindáhan, kapag ang dumudulóg doon ay mga amerikánong magagasláw.
Hindi gumawî nang ganyán ang binibining itó; hindî siya pumapára sa mga nagsalasalambáy diyáng miss, na di na nangíming ipailalim ang pagka-pilipína sa kanilang pagaaméamerikanahan di lang sa gayák, di lang sa kilos, kundí ang lalong kasákitsákit at kahináhináyang ay patí ang budhi, ang kalulwa't mga paghakaka ay pinipilit na igáya't ipabusabos sa mga dayuhang iyán.... na siyáng nagnákaw sa kalayáan ng kaniláng báyan at untî-untîng humihigpít sa tanikaláng madalî ó malaon ay siyáng ikabubulusók ng Kapilipinuhan sa bangín ng pagka-aba!...
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap