United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g dumatíng siya sa Maynila'y nacaalís na ang vapor-correo "Isla de Luzón". N~g magcágayo'y ipinadalá si Rizal sasasacyáng pang-digmáng "Crucero de Castilla", at doon nátira hanggang sa ica 3 n~g Septiembre n~g 1896, na siya'y lumulan sa "Isla de Panay", na umalís dito sa Maynilang patun~go sa España, n~g araw na iyon. Binigyán si Rizal n~g General Blanco n~g dalawang sulat; ang isa'y cay D. Marcelo Azcárraga, na tagarito sa Filipinas at casalucuyang Ministro de la Guerra sa España, at ang isa'y sa Ministro de Ultramar. Sa sulat na iyo'y ipinagtatagubilin si Rizal, sa pagca't ito'y nagpakita n~g maganda't ulirang caasalan sa loob n~g apat na taóng pagcápatapon sa Dapitan, at tunay na hindî cainalám sa caguluhang munacal
Pinagcaisahan po n~g capisanang iyang lihim na aco'y pumarito, at ipinamamanhic po sa inyong sa canila'y ipag-utos ang bawa't inyong ibiguin, sa icagagaling n~g bayang na sa catacot-tacot na caalipnan, at sa icaliligtas pô naman ninyo sa inyong pagcapatapon dito, at n~g maniwalâ pô cayo'y ipinadala nilá sa akin itong inyong larawan.