United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lubhang makapangyarihan kung magutos ang dios n~g m~ga halakhak at pagbibiro, ang hari n~g balatkayuang lunas sa m~ga dalamhati n~g kaluluwa at puso.... Babago pang napaguusapan ang m~ga araw n~g kanyang pagdiriwang, sa iba't ibang panig n~g Maynila ang m~ga tao'y abalangabala na sa sarisaring paghahanda.
Bawa't salitang gamiti'y kataga n~g katapatang loob, bigkas n~g kaisang damdamin, pahayag n~g panibulos na pagtitiwala. Kaya't sa paguusap nilang yaon ay pawang n~giti n~g saya at sigla n~g pagbibiro ang naghari sa lahat.
¡Ina ko! ang sigaw mong halos paiyak ¡Ina ko, ayoko, huwag! Palibhasa'y patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay nagsabi ka ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy. Makaraan ang ilang saglit ay nagyaya akong umuwi upang huwag malubos ang sa iyo'y pagtakot nila. At nang tayo'y nasa pampang na'y ibinalita sa atin ng isa ninyong alila na ang tatay mo'y nagagalit sa iyo.