United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Abá, ang inyó pong amá, na nábibilanggô! ang sagót n~g militar na may cauntíng pangguiguilalás. Ang aking amá ... sa bilangguan ... ¿napipiít sa bilangguan? ¿Anó pô ang wic
Cung gayó'y guinawâ niyá ang sulat na iyán sa inyó, bago mamatay; hindî malalao't mag-íisang taón n~g siyá'y aming inilibíng sa inyóng bayan. ¿Anóng dadahilana't nábibilanggô ang aking amá? Sa cadahilanang totoong nacapagbíbigay puri. N~guni't sumama pô cayó sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có han~ggáng tayo'y lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo.