United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itó,i, dî umidlíp sa boong magdamág sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat. Touing maguiguising sa magaang túlog itóng lipós hirap, ay naghihimutóc, pauang tumitiric na anaqui túnod sa dibdib nang morong may habág at lúnos.
Dito na lumagui ang bunying dalaga, at pinapagsaua puso sa pagsinta: ang pagod at puyat inaalintana, sampong camataya,i, hindi anumana. At ang uica niya,i, cung ualang dalita uala ring hihinting ligaya at toua, ang hindi nagbata sa balat nang lupa sa cabilang buhay naman ay luluha.