United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nacaupô si capitang Tiagong nacasúot n~g frac sa isá sa m~ga bangcóng laan sa m~ga pinunò, dahil sa bagay na itó'y ang isip n~g m~ga insíc na sa canyá'y hindî nacakikilala'y gobernadorcillo rin siyá cayá't hindî nan~gan~gahás na sa canyá'y lumapit.
Hindî nagculang n~g nagdagdag na canyáng nakitang lumusong sa húcay ang isáng nacasuot n~g pananamít na itimáng catulad n~g sa m~ga franciscano. Hindî n~gâ mapag-aalínlan~ganan: si San Diego ang nanaog na iyón. Napagtantô rin namáng nakinig n~g misa si Ibarra, at ang lalakíng nanínilaw ay hindî; ito'y maliwanag na cawan~gis n~g sicat n~g áraw.
Hindî siyá nakikilala n~g bayan. ¡Abá! ang bigláng sinabi n~g isáng tagabukid; ¡isáng civil na nacasuot comediante! ¡Tangá! ang isinagót n~g canyáng calapit at siyá'y sinicó; ¡iyán ang principe Villardo na ating nakita cagabí sa teatro! Tumaas n~gâ ang calagayan n~g Alcalde sa m~ga matá n~g báyan at siyá'y ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa m~ga gigante. Nagpasimula ang misa.
Salita Ng Araw