Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 18, 2025
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol.
Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahón, ang pagkakataon ay naguing tagapamag-itan upáng ang apat na buhóng ay muling mápabalík sa kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunitâ nila an~g m~ga hulíng binikás n~g napan~ganyayang matandáng kanilang inumog, ay dumanas silá n~g isáng pagnanais na alamin kung tunay n~gâ ang kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nilá ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matatabâ at lubhang mayabong, at siláng lahát ay di nakapiguil n~g gayong bigkás: ¡Tumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilín.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap