United States or Colombia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Akin na n~gang naiulat sa iyo, ang aking palad, N~guni't ang aking panulat Ay di makapagsisiwalat N~g layon ko at pan~garap . Kakambal ko kaya'y hirap? Tinding: ikaw'y maniwala Na ang aking puso't diwa Sa iyo'y sangla kong pawa; Ang puso ko'y humahan~ga, N~guni't umíd itong dila, Ito kaya'y malikmata?
Anopa't sa aki'y naging malikmata ang buhay kong iyong binigyang biyaya, nalimot kong minsang ang tao sa lupa ay may kamataya't sariling tadhana. Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi at bagong umaga ang siyang naghari, ang damdam ko baga'y pawang nanaghili sa akin ang m~ga taong mapagsurí.