United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagmadaling nagpauna si Sisa at pagpílit na mag-anyóng tiwasáy ang loob. Nang sandalíng iyó'y pagpasimulâ ang pagrepique n~g m~ga campana't ipina-aalam ang pagcatapos n~g mísa mayor. Tinulinan ni Sisa ang paglacad, at n~g cung mangyayari'y huwag niyáng macasalubong ang m~ga táong lalabas sa simbahan. Datapuwa't ¡hindî nangyari! waláng nakitang paraan upang maiwasan ang gayóng pagcasalubong.
¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod! ang iniwacás ni Fr. Sibyla. ¡Aco'y hindî nag-uutos! ang itinutol n~g franciscano ¡aco'y hindî nag-uutos! Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang m~ga pagtutol na iyón, n~g macasalubong n~g canyang m~ga matá ang m~ga matá n~g teniente.
Sa pan~gan~ganib niyáng bacâ canyáng macasalubong ang m~ga guardia civil, siya'y nagpasuotsuot sa m~ga halamanan at m~ga pananím, at anaki'y canyáng naaninagnagan ang dalawáng may anyóng tao; datapuwa't canyáng ipinatuloy ang lacad, at, pagcalucsó niyá sa m~ga bacod at sa m~ga pader, dumating siyáng pagál na pagál sa hirap na canyáng m~ga pinagdaanan, sa isáng dulo n~g bayan, at tinun~go niyá ang bahay ni Crisóstomo.