United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Súcat na ang tingnán ang lugaming anyô nitóng sa dálita,i, hindi macaquibô? aacaing bigláng umiyác ang púsô cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô". "!Ay Laurang poo,i,! ¿baquit isinuyò sa iba ang sintang sa aqui pangacò at pinag liluhan ang tapát na púsó pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?"
May áuang guerrero ay sa maramdaman malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao, tinuntón ang landás na pinagda-anan dinalá ang calong sa pinangalingan. Doon sa naunang hinintúang daco nang masoc sa gúbat ang bayaning moro sa isang malapad, malinis na bató cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.