United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagpasimulâ sila n~g pagsasalitaan n~g m~ga bagay-bagay na walang cabuluhan, n~g nauucol sa panahón, sa bayan at sa dárating na fiesta; humanap si María Clara n~g dahilán at umalís. At yamang m~ga fiesta ang ating m~ga pinag-uusapan, itulot pô ninyóng cayo'y anyayahan co sa gagawin namin búcas. Ito'y isáng fiestang búkid na aming iaalay sa aming m~ga caibigan at iniaalay namán nilá sa amin.
Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas.
Salita Ng Araw