United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit, nan~ga-catingala,t, parang naquinyig sa dî lumilicat na tin~gistan~gis. ¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus, n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp, na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg isang camatayang caquila-quilabot!
Ang sinomang tauo,i, dapat quilabutan sa dalitang hindi masayod na turan, ang lalong-lalo na tanang tampalasan, catulad ni Neron niyong nabubuhay. Maputi ang buhoc, madilim ang noo, matulis ang cucong parang aliman~go, n~gipi,i, sincol-sincol, at cung may catalo mata,i, nanlilisic, daig ang demonio.
Na-acay n~g gútom at gauing manilâ, ang-ulî sa ganid at naualâng aua, handâ na ang n~gipi,t, cucong bagong hasa at pagsasabayán ang gapós n~g iuâ. Tanang balahibo,i, pinapan~galisag, nanindig ang buntót na nacagugulat sa ban~gis n~g anyô at n~ginasáb-n~gasáb, Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.
Salita Ng Araw