United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !
Natanawan nila ang maningning na dáhon n~g tari, na nagsasabog n~g malamig ang nan~gan~gazul na sinag; nagbibigay sigla sa canila ang pan~ganib, at walang ano mang tacot na nagpapanalubong ang dalawa, n~guni't sa isang hakbang na layo'y nan~gagsihinto, nan~gagtitigan, ibinaba ang ulo at muling pinapan~galinag ang canilang balahibo.
Paimis na sila'y pinagmamasid ni Lucas n~gumin~giti n~g n~giting malupit, pinatutunog ang m~ga pisong pilac, dumaan siya sa siping n~g dalawang magcapatid, at saca siya sumigaw nasa "Rueda" ang tin~gin: Narito ang limampo, limampu laban sa dalawampo, ¡sa puti! Nan~gagtitigan ang magcapatid.
Salita Ng Araw