United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinun~gong muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang man~gagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin.