Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 1, 2025
At mulî na namang hinipan n~g lálò pa mandíng malacás ang matunóg na sun~gay, at sinasadyang ilapít sa m~ga tain~ga n~g m~ga dalagang nagpapakita n~g capanglawan. Sa gayó'y nagcaroon n~gâ n~g caunting caguluhan; siya'y pinahimpíl n~g m~ga iná sa cáhahampas n~g chinelas at cácucurot.
Si Hermana Putî ma'y laban doon ang iniisip. Nacatulog n~g mainam ang isáng lalaking nacaupô sa canyáng tabí, na waláng ánó-anó'y natumbá sa canyáng ibabaw, na anó pa't nalúcot ang canyáng hábito: dinampót n~g mabait na matandáng babae ang canyáng bacyâ at guinísing sa cáhahampas ang lalaking iyón, casabay n~g sigaw na: ¡Ay! ¡láyas, salvaje, háyop, demonio, calabáw, áso, condenado!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap