United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo , kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon. Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo , aniya, idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba .
May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.
Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba na totoong luma na.