United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siya'y lumakad na't sa Ina'y humarap at ipinamalay ang sa pusong han~gad bagaman sa dibdib nang Ina'y masaklap ay napaayon din sa pita nang Anak. Lumuhod na siya't humalik nang kamay Ina'y lumuluha na binendisyonan maganap ang lahat niyang kailan~gan yamao't sa harap nang torre nagdaan.
Hanggang sa dumating doon sa Simbahan at sa laang tumba'y ilagay ang bangkay ginawa ang madlang man~ga katungkulan na pananalan~gin sa man~ga namatay. Tanang kailan~gan ay nang maganap na ay ibinaba nang bangkay nang Princesa at binendisyonan niyong Haring Ama at nakipagkamay naman ang asawa.