United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa tahanan n~g isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; n~guni't sa tahanan n~g isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y magipon kayó n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa m~ga pantás. ¡Maaliwalas ang daan ko! Suriin natin ang ugali n~g umanó'y m~ga bantóg at pahám na manúnulát.
Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi n~g isáng hikaw, at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw. Dumatál ang araw n~g paskó, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawán ang dating mag-kákaulayaw. Sa dampa n~g magkapatíd ay mayroón díng m~ga panauhin. At ¿anó ang naisalubong ni Petra? ¿Naipagparan~galan bá ang kanyáng hikaw? ¡Hindi!
Anim na binibini ang nan~gakálupasay sa lilim nang isáng puno n~g manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng magágandá; pawa siláng mahíhinhín; n~guni't ang katakátaká, ang apat ay nakátawa at ang dalawá ay nakásiman~got. Sa lihim kong pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay nakápagdalá n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot.