United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang aklat ng "Kun sino ang kumatha ng Florante" , ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng panahong iyan lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar ay walang alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang naparagdag pa.