United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga lamang, at houag sa mainit.

N~guni,t, cun ang tauong quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing madaling-madali doo,i, gayon. Sasangrahan, ó cucunan nang maraming dugo, at ito,i, uuling gagauing macalaua ó macaitlo ó macaapat, cun baga cailan~gan.

Arao-arao susumpitin, at cun hindi marami ang iniilaguin niya, uuling gagauing macalaua maghapon, lalo pa cun masaquit ang ulo; datapoua cun baga hindi maquibo, at hindi masumpit ang maysaquit, painumin nang suero arao-arao, at saca cun umaga at cun hapon painumin naman nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy macacain nang maysaquit.

Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailan~gan ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatun~go ang saquit sa baga: at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailan~gan pa.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap