United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko Ay naguguhit din ang m~ga paá mo, Paang mapuputing nakababalino Sa isip at buhay n~g payapang tao. Paáng makikinis at makaulul-palad, Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat, Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad, Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak. Parang m~ga paá n~g nababalitang Cleopatra at Leda n~g panahong luma, Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.
Kahit na yata ang kanyang mga taynga ay takpan ng sapinsapin ay waring naririnig din niya ang tinig ng kampana. Kay saklap; Kinasal na si Leoning! Kinasal na ang nagi niyang irog. At habang ang tunog ng batingaw ay kanyang naririnig ay halos ang kanyang boong katawan ay nababalot ng dalamhati, ang puso niya ay sinasasal ng malakas na pagtibok. Si Leoning ay hindi na kanya, kasal na.
Ipalalagay kong masayang aliwan Ang namamalas kong kurus at libin~gan, Sapagka't sa aki'y darating ang araw At diyan uuwi ang hiram kong buhay. Di ko pinupukaw ang pagkamapalad Niyang iyong buhay na bagong ninikat, Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap Ay maghahari din ang ningning na in~gat. Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining.
Salita Ng Araw