United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tiningala niya ang langit; nguni't ang pagdadapithapong yaon ay waring isang kimpal ng ulap. Para bang ang kanyang palad ay makikisama na sa pagtatakip-silim. Waring ang kanyang pagasa ay nagtutumuling lulubog sa matinding dagok ng kasawian. Baka kaya ang susunod namang pagtugtog ng batingaw mamaya ay isang plegaria naman?

Kahit na yata ang kanyang mga taynga ay takpan ng sapinsapin ay waring naririnig din niya ang tinig ng kampana. Kay saklap; Kinasal na si Leoning! Kinasal na ang nagi niyang irog. At habang ang tunog ng batingaw ay kanyang naririnig ay halos ang kanyang boong katawan ay nababalot ng dalamhati, ang puso niya ay sinasasal ng malakas na pagtibok. Si Leoning ay hindi na kanya, kasal na.

Baka kaya ang isinunod naman doon ay ang malulungkot na tinig na nagpapahiwatig ng pagyao ng pusong sawi...? Kaya't walang nasabi ang ating binata nang matapos na ang maligayang tunog ng batingaw na tanda ng pagkakasal ni Leoning at ni Daniel kundi isang salitang waring napakapait na kanyang binigkas: ¡Ay Leoning! dahil sa sumpa mong nilimot....

Wala nang pagasang ano pa man: si Leoning ay hindi niya palad, hindi kanya. Oh! pusong balot ng kasawian! Aay, palad! ang nawika ni Eduardo sa kanyang pagiisa. Diyata at natapos na ang lahat! Sa kanyang mga pangdinig ay waring nanunuot ang tunog ng batingaw ng simbahan: Oras na ng pagkakasal kay Leoning at kay Daniel. Ang batingaw ay walang tigil ng pagtunog.