United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay nagpatuloy: Tingnan mo anya ¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás.
Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito at sabay na itinuro ang m~ga kaharap ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. Ako po'y ...