United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na ipasok sa Pagawaang inaklasan.

Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan.

At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita. Sumapit ang kinabukasan. Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na n~g maraming manggagawa. Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni Pablo sa ibang m~ga pagawaan.

Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito at sabay na itinuro ang m~ga kaharap ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. Ako po'y ...

At huwag lamang na sawíng palad na pasukan n~g m~ga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat n~g inyong m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi. At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan n~g m~ga nagsiaklás.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap