United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay nagpatuloy: Tingnan mo anya ¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás.
Oh! palad ... sa pagkarinig niya noon ay waring nagsiklab ang tibok ng kanyang puso. Sumiklab ang kanyang dugo. Ano ang kahulugan ng lahat ng yaon? Diyata? Diyata at may ibang kaagaw siya kay Leoning? Kaya sa pagkauntol ng paghawi niya sa tabing ay kanyang hinintay ang pagtugon ng binibini datapuwa't hindi niya narinig sumagot.
Hinggil sa aming pagparoon sa lalawigan ay naaalaala ko na aking isinulat sa iyo, aywan lamang kung ang liham ko'y dumating sa iyong mga kamay ó kinusa mo ang hindi pagtugon, sapagka't namuti ang mga mata ko sa kaaantay ng iyong sagot. ¿Hindi mo tinanggap?