United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naghihintay, Habol Tanggapin mo sa maydala nito ang isang "maralitang handog" ... AKO RIN. Isang kibit lamang n~g balikat ang ginawa ni Tirso pagkatalos sa laman n~g sulat, saka pan~giting nasabi ang ganitong m~ga kataga: ¿May katuwiran na n~ga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?...
¿Nariyan po ba si Elsa? ang nagkakanggagahol pang tanong n~g nasa lupa. Narini; magtuloy ka, at tumawag noon din n~g isang alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi. Parang dinagukan ang dibdib ni Elsa at, malaong hindi nakapan~gusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may baklang titig sa ale'y waring ibinulong: "¿Paano ang idadahilan ko?"
Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na iniaalay. ¡Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip!