United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan.
Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal.
Salita Ng Araw