United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.
Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagáyan. Adios Feliza. MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.
Salita Ng Araw