United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito. Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob. Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.
Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at totoong pan~git sa isang binibini. Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit.
Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal.