United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan.

N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin.

Si Adang nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni Jesucristo na dinatnán sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si Cristo,i, patáy na sa cruz ay nabucsán ang dibdib at binucalán nang pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa.