United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan.

Cun ang isasagòt sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t, cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio ó monasterio, ay malaqui ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang mundó.

Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mulâ niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umuî sa bahay.

Ipinagutos naman nang haring Constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at culun~gin sa monasterio. Gayon din ang utos nang haring Alfonso Sábio. Sa man~ga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa ang babaye,t, sa lalaqui na capoua ipinag-utos na patain. Ang parusa naman nang Santa Iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion.