United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal.

Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo.

Cayong magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa pagaauay. Dinguin mo ang casunód na Sinasabi nang beato Juan Exolto na may isang lalaqui na may asaua na nabuhay sa casalanan, pinan~gan~garalan siyang palagui nang caniyang esposa, palibhasa,i, may loob sa Dios; n~guni hindi maquinyig. Sinunód nang lalaqui ang hatol nang babaye.

Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na mahaua sa canilang casamaan. Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.