United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang tauong binitay ó nagbicti ay cailan~gang sangrahan agad sa liig sa alin man sa dalauang ugat na pinan~gan~ganlang yugular, na doroon sa man~ga taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra.
Ang namamatay nang biglang pagcamatay, na hindi na-aalaman ang dahilan, ang nalunod sa tubig, ang natamaan nang culog, ang babaying sinusubaan, pati nang namamatay nang biglang pagcamatay nang macapan~ganac siya, ang nagbicti ó ang binitay, at ang iba pang sasabihin co sa man~ga párrafong isusunod dito, ay hindi sucat ilibing hangan di maramdamang mabaho baho na ang catauan.